Emosyonal ang larawan ng isang lola na nakasakay ng kanyang wheelchair, kung kaya humihingi ng tulong sa publiko ang nag-upload upang agad na matulungan si lola sa kanyang sitwasyon.

Sa post ni netizen, Al Vincent Antonio, humihingi siya ng tulong pinansyal sa publiko at tulong na rin na makita ang pamilya ng matanda.

Ayon kay Antonio, namataan niya si lola na mag-isang nangangalakal habang nakasakay sa wheelchair nito.

Hindi niya mapigilan ang sarili na maaawa sa kalagayan ng matanda. Kung kaya idinulog na niya sa social media upang mas mapadaling makita ang pamilya nito at agaran itong matulungan.

Saad ni Antonio nakita niya ang matanda sa may San Jose del Monte Bulacan Muzon. Ngunit nakaligtaan na umano niyang itanong ang impormasyon tungkol rito.

“Sa mga nakakakita po kay nanay, sa San Jose del Monte Bulacan Muzon. Nanghihingi po ako ng tulong sa inyo para po kay nanay, Tulungan para malaman nang kamag anak niya ang kalagayan niya at tulong pinansyal. Nakakaawa po ang kalagayan nya,” saad sa post ni Antonio.

“Nangangalakal po siya habang naka wheelchair. Hindi ko na po nakuha pangalan niya, pero sana po matulungan po natin sya,” dagdag pa niya.

Makikita sa mukha ng matanda na nahihirapan na ito. Naantig naman ang damdamin ng mga netizens, kaya marami na ring nagpahayag ng tulong kay lola.

Sa kasalukuyan, umabot na ng mahigit 33 thousand ang share ng post at nasa 21 thousand naman ang reaction nito.

Facebook Comments